Noong nakaraang Martes, pagkatapos ng aming meeting, hinaltak ako ni Bill McDonald, ang aming Scottish plant manager para sa isang seryosong usapan (sabagay, puro seryoso naman palagi ang usapan). Hiningi na nya ang aking kasagutan...tatlong linggo na kasi siyang nanliligaw sa akin. Pero di sa pag-ibig ang panliligaw (ano siya hilo?), gusto nya akong mag-head ng isang department dito na matagal ng walang namumuno.
Three weeks ago, pinatawag nya ako at nai-offer nga itong posisyon. Sabi nya ay para raw sa aking future at sigurado raw sya na kaya ko...oras na raw para sa mas mabigat na responsibilidad. Ang posisyon kasing ito ay kakaiba sa nakaugalian kong gawin...na ginagawa ko sa loob ng 16 na taon *sige, mabibisto na talaga edad ko*. Napaka-technical ang ginagawa ko ngayun...ito'y sa process at automation and it involves system engineering (automating a process plant)...it is an electrical engineering at talagang punong-puno ng paghamon, di nakakasawa, kada araw, iba't-iba ang ginagawa...walang redundancy ika nga . Pero itong binibigay sa akin ngayon ay tungkol naman sa maintenance system...it involves scheduling, level inspections, technical analysis. In short, pamamahala ng isang programa o systema para ma-optimize mo ang reliability ng planta. Ito'y napakahalaga sa tagumpay ng isang business unit. Engineering pa rin pero mababawasan na ang teknikalidad...madadagdagan ang management aspect o pamamahala sa isang systema.
Tatlong beses na rin akong pinatawag-tawag sa opisina ni Boss Bill at nagtatanong kong napag-isipan ko na. Kailangan ko rin timbangin ang lahat ng posibilidad bago ako magdesisyon. Tinanung ko ang aking mga kamag-anak at mga kaibigan...para pandagdag sa pagbibigay linaw...suportado naman nila ako. Noong Martes nga, tinanggap ko na, di na ako nakaayaw. Mahihiwalay na ako sa aking mga kasama at kaibigan sa trabaho na nakaulayaw ko sa mahabang panahon. Di naman kami magkakahiway sa planta, dito pa rin naman ako pero ang interaction namin ay mababawasan na. Ibang grupo na ang aking makakasalamuha, at ako ang mamumuno sa kanila. Mag-uumpisa na ang transition period, at sa January, 2005...goodbye Senior Systems & Automation Engineer...hello Methods Manager.
Noong Martes nga ay tuwang-tuwa si Bill sa aking kasagutan...at binigyan naman ako ng katiyakan na tutulungan ako sa aking bagong pagsubok. Habang sinusulat ko ito, naalala ko ang isang linya sa pelikulang Spiderman...nabanggit ng tiyuhin ni Peter habang papalabas sa taxi: "Great power comes with great responsibility".

No comments:
Post a Comment